Unibersidad ng Pila (UP)

para akong naglalaro sa isang malaking gameboard kapag nageenroll ako sa U.P. anim na taon na ako sa unibersidad at yun at yun pa din ang natatamasa ko. pila dito. pila diyan. walang katapusan pila ng mga tao na naghihintay ng slots para sa subjects at professors para sa prerog. hindi mo maiiwasan na kumain na sa pila ng lunch at breakfast para lang maunang tawagin kung meron mang available na slot.

'dito po ba yung enlistment?' 
'MST? SSP? AH?'
'Andyan si Sir? papapre-advise ako eh…'
'12 units pa lang ako!!'

estudyanteng nagtatanong kung ok ba si ganyang prof o si ganitong prof, madali bang makakuha ng uno sa subject na yan, sa 4th floor ba yan ng AS. walang katapusang tanong para sa isang magandang semestre na mauuwi rin base sa hirap o dali ng subject o kaya sa masipag na prof o sa time management. ikaw din bahala kung kaya mo pagsabay-sabayin ang mga iyan.

pero para sa akin yung ganitong enrollment. may thrill. may adventure. at makakakilala ka ng iba’t ibang estudyante mula sa iba’t ibang kurso. parang nakakatamad din yung puro pila. masaya yung tatakbo ka para sa slots. makikipagpalit ka ng sched. maghahanap ng subject mula sa kabaling dulo ng Quezon Hall hanggang sa National Science Complex na pagkalawak-lawak.

isa ito sa makukuha mo sa pagpasok mo sa U.P. mahirap? oo. nakakastress? oo. pero higit sa lahat, masaya!

Notes

  1. addieness reblogged this from u-p-fight
  2. nostalgicexperiences reblogged this from u-p-fight
  3. jastintime reblogged this from u-p-fight
  4. doodlesanddrools reblogged this from u-p-fight
  5. cosmicluck reblogged this from u-p-fight and added:
    UNIVERSITY OF PILA, INDEED. To all those people who complain about lining up for a day to enroll, rejoice! You are not...
  6. sunnysabine reblogged this from u-p-fight
  7. donghaeyaaaa reblogged this from u-p-fight and added:
    this^ I MISS UP.
  8. monsthorr said: hayy, tangina lng talaga, hahhaa
  9. u-p-fight reblogged this from airoue
  10. evilarcher said: parang nakita kita kahapon sa jeep.. :”>
  11. airoue posted this